Tuesday, August 7, 2012

PAGIBIG o PAGMAMAHAL

PAG-IBIG o PAGMAMAHAL bago mo yan banggitin sa taong itinituring mong mahalaga, alam mo ba ang pagakakaiba ng PAGIBIG sa PAGMAMAHAL ?

Noong 1st year High School ako, may teacher akong madrama at walang ginawa kung di magkwento sa buhay niya (pero kahit ganun yon, saludo ako dun), anyway dumating kami dun sa chapter ng Lovelife niya. at tinanong niya kami ng kung ano daw ang pinag kaiba ng PAG-IBIG sa PAGMAMAHAL . Lahat kami ay ng hula at napaisip talaga, ang hirap kaya ! diba ? tapos non ayun parang naliwanagan ako.

Ramdam kong mas mainit pa sa tirik ng araw kapag ganyan ang usapan sa upisina, sa kanto, sa trabaho, sa school, sa banyo sa cellphone, sa FB o Twitter at kahit saan pa man sa mundo basta patungkol sa puso este Lovelife pala. Lahat tayo may kanya kanyang lovelife, kasi iba yung pakiramdam ng inlove, pero alam mo ba na khit saang dictionary mo hanapin  ang salitang INLOVE ay wala itong kahulugan (di ako sure narinig ko lang din kasi yon. hahaha). Anyway, balik tayo sa usapang pag-ibig, AY pagmamahal pala, hindi pagibig, pagmamahal, pag-ibig, pagmamahal. HAYYYY . alam ko naguluhan ka din. Pero yung totoo natanong mo na ba sa sarili mo kung ano pinagkaiba ng PAG-IBIG sa PAGMAMAHAL ?

Kung naguguluhan ka nga, ibig sabihihin hindi mo pwedeng basta basta  nalang sabihin kung kani kanino yang mga salitang yan. Simulan na nga natin, alam ko gusto mo na din malaman.


P A G - I B I G 

Simulan natin sa Pag-ibig. Ano nga ba ang Pag-ibig ? hindi ito yung Pag-ibig fund yung pabahay, o ang cute na Pag-ibig ni Yeng Constantino, sabi nman ni Simsimi manuod nlang daw ako ng JUST ONE SUMMER movie soon in theaters para daw malaman ko !, at sabi ng anwers.com mahabahaba pero iisa lang din ang pagpapa-kahulugan niya sa pag-ibig at sa pagmamahal. No comment si naman Wikipedia (baka bitter ? LOL ). Kahit saan mo i-search yan ikaw lang ang makakasagot niyan. Pero para mas madali mo itong mabigyan ng kahulugan kung kukunin mo ang root word nito. ang root word ng Pag-ibig ay IBIG.

ano ba inig sabihin ng ibig :


Kung mapapansin mo may salitang "mahal" pero ang mas marami yung salitang "gusto", mas malapit ang salitang pagibig sa nais, gusto, o hangad. So ang ibig sabihin ng PAG-IBIG ay PAG KA GUSTO LAMANG,  gusto mo siya kasi may kailangan ka sa kanya, halimbawa gusto ng cellphone kasi
 personal na pangangailangan mo, kasi may DAHILAN ka kaya gusto mo yung bagay na yon.  YUN YON. gusto ngunit hindi mahal .

 TANDAAN : iba ang I LIKE YOU kesa sa I LOVE YOU .

at tandaan mo na ang PAGMAMAHAL ay walang condition o dahilan kasi kung tunay mo nga siyang minamahal KAHIT ANO PA MAN ANG ITSURA niya SIYA AT SIYA parin .

Ididiscuss ko pa ba yung PAGMAMAHAL ??

 P A G M A M A H A L

Root word MAHAL. At ito ang sabi ni google, parang pati siya hindi alam na magkaiba ang pag-ibig at pagmamahal

ito yung felling na 
ibig sabihin mas madami ang nagmamamahal dahil may kailangan ?

1 comment: